Exalt: “Waymaker”
Empower: 1 Cor. 12:10a, 28; Gal. 3:5; Acts 2:22; 3:1-3; 20:7-12; Hebrews 2:3-4; John 2:1-10; 6:5-14; 9:1-3; 14:12
1 Corinto 12:10a - Ang ibaʼy pinagkalooban ng Espiritu ng kapangyarihang gumawa ng mga himala… (ASND). [ to another the working of miracles (NKJV)]
Working of Miracles (Gk “dunamis” means “power”) is translated literally as “workings of powers” [double plural in the original text]. It is the God-given ability to demonstrate the supernatural power of the Holy Spirit at work (Derek Prince).
Ang buhay at ministeryo ni Hesus ay pinatotohanan ng mga himalang (workings of powers or mighty deeds) Kanyang ginawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo: ang tubig ay naging alak; ang 5,000 ay napakain sa pamamagitan ng limang tinapay at dalawang isda; ang bulag ay nakakita; ang bingi ay nakarinig; ang lumpo ay nakalakad; ang mga inaalinhan ng demonyo ay napalaya; ang patay ay nabuhay. Marami ding mga himala ang naipamalas ng mga naunang alagad sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Bawat pahina ng Biblia ay puno ng himala (from Genesis to Revelation). May mga nagtatanong, naipapamalas o nararanasan pa ba ang mga himala (miracles; signs and wonders) sa ating kapanahunan? Marahil ang nararapat na itanong ay, “Kinikilala ba o nananalig ba ang mga Kristiyano ngayon katulad ng mga naunang mga alagad na may kapangyarihan silang magpamalas o makagawa ng mga himala?” Tayo’y naniniwala na kung paano nagpakita ang Diyos ng mga himala noon upang patotohanan si Hesus (attests to the truth of who Jesus is) ay maaari din Siyang magpamalas ngayon ng mga himala upang makuha ang atensyon ng mga tao at sila’y makapakinig ng ebanghelyo at maligtas, lalo na’t ang Kanyang Espiritu ay nananahan na sa bawat mananampalataya. In fact, ang kaloob ng kapangyarihang gumawa ng mga himala ang kailangang makita ng mundo sa mga panahong ito upang maihayag ang presensya at kapangyarihan ng Diyos. Kaya nararapat lamang na gamitin ito ng mga pinagkalooban ng ganitong kakayahan upang patotohanan ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu.
Si Hesus mismo ang nagsabi bago siya namatay doon sa krus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sumasampalataya sa akin ay makakagawa rin ng mga ginagawa ko, at higit pa rito ang magagawa niya dahil pupunta na ako sa Ama.” (Juan 14:12 ASND) Dahil sumasaatin ang Banal na Espiritu, higit pa sa nagawa Niya [not in quality, but in scope (geographically)] ay kaya nating gawin [again, we cannot limit what God can do through us as Christians, because we have access to His power], higit lalo ang pinagkalooban Niya ng kapangyarihang gumawa ng mga himala.
Mapapansin na marami sa mga ginawa si Hesus (while doing miracles) ang di pangkaraniwan at “absurd” sa paningin ng tao katulad ng pagdura at paggamit ng putik upang makakita ang isang bulag (man born blind). Gayundin ang mga bagay na kanyang ipinagawa katulad ng pagligo sa isang pool upang makakita ang nasabing bulag. Subalit, sa mga simpleng gawang ito na may kalakip na pananampalataya napatunayan ang kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos.
Mapapansin din na sa mga “signs and wonders” na ipinakita ni Hesus at ng mga alagad, kalimitan ang kapangyarihang magpagaling at gumawa ng himala ay magkasama. Karaniwan, ang mahimalang paggaling ng isang tao (miraculous healing) ay instant at visible sa mata ng tao. Ito ang pagkakaiba ng gifts of healings sa workings of miracles; may ibang kagalingan na unti-unti o gradual na nararanasan, samantalang ang miracle ay instant at nakikita o nararamdaman kaagad ng natural senses.
God wants to show His presence and power to lead people to salvation and be part of His family; He wants to have fellowship with the people He created. If you possess the gift of working of miracles, activate and use it for God’s glory.
Elevate: Application/suggested question:
1. Paano mo natatanaw ang mangyayari sa iglesia kapag ginamit ng may kapangyarihang gumawa ng mga himala ang kanilang kaloob?
2. Alin sa mga nine(9) gifts of the Holy Spirit ang sa palagay mong mayroon ka? Bakit mo nasabi?
Announcement:
CFSM Convention on December 28-30, 2023 (*Note: There is a slight change in schedule. Pre-registration of participants is needed for logistics.)